Related Reading
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Paghuhugas ng kamay: Mga Payo para sa mga Pasyente, Pamilya, at mga Kaibigan

Nasa lahat ng dako sa paligid natin ang mga mikrobyo. Karaniwan, nabubuhay tayo na may mga mikrobyo nang hindi nagkakasakit. Sa ilang kaso, nagdudulot sa atin ang mga nakapipinsalang mikrobyo ng sakit na may impeksiyon. O maaari tayong magkalat ng nakapipinsalang mikrobyo sa iba at maging sanhi ng kanilang pagkakasakit. Pinakamahusay na paraan ang pagpapanatiling malinis ng iyong mga kamay upang maiwasang magkaroon o magkalat ng mga mikrobyo na nagdudulot ng impeksiyon. Hugasan ang iyong mga kamay ng sabon at tubig o gumamit ng panlinis ng kamay na may alkohol.

Lalaking naghuhugas ng mga kamay sa lababo.

Kailan dapat hugasan ang iyong mga kamay

Humawak ka sa mga bagay na maraming nakapipinsalang mikrobyo. Upang maiwasan ang impeksiyon, hugasan nang madalas ang iyong mga kamay, lalo na:

  • Bago, sa panahon, at matapos ang paghahanda ng pagkain

  • Bago at pagkatapos kumain

  • Pagkatapos gumamit ng banyo

  • Pagkatapos mong suminga, umubo, o bumahing o kapag gumagamit ka ng tisyu

  • Bago at pagkatapos humawak o magpalit ng tapal o benda, o paggamot sa sugat

  • Pagkatapos humawak sa anumang bagay o ibabaw na maaaring kontaminado

  • Pagkatapos humawak ng basura

  • Pagkatapos humawak sa isang hayop, halimbawa sa isang ospital, klinika, paaralan, o iba pang pampublikong lugar

  • Pagkatapos humawak sa hayop, pakikipaglaro dito, paglilinis ng alagang hayop, o paghawak sa pagkain ng alagang hayop

Kung wala kang magamit na sabon at tubig, gumamit ng hand gel na may alkohol na naglalaman ng hindi bababa sa 60% alkohol. Pumapatay ng karamihan sa mga mikrobyo ang mga produktong ito at madaling gamitin. Ngunit kung talagang madumi ang iyong mga kamay, gumamit ng sabon at tubig (hindi hand gel na may alkohol).

Kailan lilinisin ang iyong mga kamay sa ospital: Para sa pamilya at mga kaibigan

Kapag bumisita o nag-aalaga sa isang mahal sa buhay, makatutulong ang paghuhugas ng iyong mga kamay o paggamit ng alkohol sa pagpigil na kumalat ang mga mikrobyo. Hugasan ang iyong mga kamay:

  • Bago pumasok at pagkatapos umalis sa kuwarto ng pasyente

  • Sa sandaling tanggalin mo ang iyong mga guwantes o iba pang damit na pamproteksiyon

  • Pagkatapos palitan ang tapal o benda

  • Pagkatapos ng anumang contact sa dugo o sa iba pang likido ng katawan

  • Pagkatapos humawak o magpalit ng mga sapin ng kama o mga tuwalya ng pasyente

  • Pagkatapos humawak sa isang hayop sa session ng pet therapy (ospital)

  • Pagkatapos humawak sa isang hayop, paglilinis ng alagang hayop, o paghahanda ng pagkain ng mga alagang hayop (sa bahay)

Mayroong mga lababo o mga dispenser ng gel ang maraming ospital sa labas mismo ng mga kuwarto ng pasyente. Kung hindi, magdala ng bote ng hand gel na may alkohol. Gamitin ito sa tuwing bibisita ka. Kung talagang madumi ang iyong mga kamay, gumamit ng sabon at tubig (hindi hand gel na may alkohol).

Mga payo sa maayos na paghuhugas ng kamay

Narito ang ilang mungkahi na susundin:

  • Gumamit ng alinman sa malamig o maligamgam na malinis at umaagos na tubig at maraming sabon. Pabulain nang mabuti.

  • Linisin ang buong kamay, kasama ang ilalim ng iyong mga kuko, sa pagitan ng iyong mga daliri, at sa mga galang-galangan.

  • Kuskusin nang hindi bababa sa 20 segundo. Huwag punasan lang o isahod ang iyong mga kamay sa tubig. Kuskusin ito nang mabuti. Kantahin ang awiting Happy Birthday upang makumpleto ang 20- segundong layunin

  • Banlawan. Hayaang dumaloy pababa ang tubig sa iyong mga daliri, hindi pataas sa iyong mga galanggalangan.

  • Tuyuin nang mabuti ang iyong mga kamay. Gumamit ng tuwalyang papel para isara ang gripo at buksan ang pinto.

Mahalaga ang oras

Sa iyong mas matagal na paghuhugas ng iyong mga kamay, mas maraming mikrobyo ang matatanggal mo. Hinuhugasan ng karamihang tao ang kanilang mga kamay sa loob ng 6 hanggang 7 segundo. Ngunit kinakailangan ang hindi bababa sa 20 segundo upang matanggal ang mga mikrobyo. Mga halimbawa ang pagkanta ng Happy Birthday o ang ABC Song kung gaano dapat katagal ang 20 segundo. 

Paano gumamit ng panlinis ng kamay na may alkohol

Maaaring gamitin ang mga panlinis ng kamay na may alkohol kapag hindi magagamit ang sabon at tubig o kapag hindi madumi ang iyong mga kamay. Para sa pinakamainam na resulta, sundin ang mga hakbang na ito:

  • Pumili ng isang gel o spray na nagtataglay ng hindi bababa sa 60% ng alkohol. Maaaring hindi makapatay ng mga mikrobyo ang mga produktong may kakaunting alkohol.

  • Ikalat ang panlinis sa palad ng isang kamay. Basahin ang etiketa upang alamin ang tamang dami na gagamitin. Maraming tao ang gumagamit nang mas kaunti kaysa kinakailangan at kaya hindi nalilinis nang mabuti ang kanilang mga kamay.

  • Pagkiskisin nang mabilis ang iyong mga kamay, na nalilinis ang mga likuran ng iyong mga kamay, ang mga palad, pagitan ng mga daliri, at pataas sa galang-galangan.

  • Kuskusin hanggang mawala ang panlinis at lubusang matuyo ang iyong mga kamay. Tumatagal ito ng halos 20 minuto.

Mga sabon na antibacterial:

  • Nasa anyong likido o bareta at ginagamit na may tubig

  • Ay kasing husay lang sa pagtanggal ng mga mikrobyo gaya ng karaniwang sabon

Mga panglinis ng kamay na may alkohol:

  • Nasa anyong mga gel o spray na hindi kailangan ang tubig

  • Dapat nagtataglay ng 60% alkohol upang tumalab

Online Medical Reviewer: Barry Zingman MD
Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 2/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer