Mga Gamot sa Allergy Over-the-Counter
Maaari kang bumili ng maraming gamot upang lunasan ang allergies na hindi na kailangan ng reseta. Maaari kang payuhan ng iyong doktor na uminom ng ilan dito. Maaari mo silang gamitin ng mag-isa o kasama ng niresetang gamot. Ang iyong paggamot ay magiging mas epektibo kung gagamitin mo lahat ang mga gamot ayon sa pagkakasabi sa iyo ng iyong doktor. Ang dalawang pinakakaraniwang uri ng OTC na gamot para sa allergy ay nakalista sa ibaba.
Antihistamines
Ang mga ito ay pinakakaraniwang uri ng gamot upang lunasan ang mga allergy. Makakatulong sila na ihinto ang pagbahing at pangangati at bigyang ginhawa ang sinisipong ilong. Maaari itong inumin na tableta o bilang nasal spray. Gamitin ang anumang uri batay sa tagubilin ng doktor o ayon sa nakasaad sa kahon. Alamin na ang ibang uri ng tableta ay maaari kang gawing antukin.
Decongestants
Binabawasan nila ang pamamaga ng mga tisyu sa ilong at binubuksan ang mga daluyan ng hangin. Pinapaginhawa nila ang presyur sa iyong mga sinus. Maaari itong inumin na tableta o bilang nasal spray. Maaai kang uminom ng tableta ng ilang araw kung kinakailangan. Ngunit tawagan ang iyong doktor kung kailangan mo ang mga ito ng araw araw ng higit sa isang linggo. Gumamit ng nasal spray kapag ito ay ipinayo lamang ng iyong doktor. Ang labis na paggamit ng decongestant nasal spray ay maaaring palalain ang mga sintomas.
Online Medical Reviewer:
Daphne Pierce-Smith RN MSN
Online Medical Reviewer:
Deborah Pedersen MD
Online Medical Reviewer:
Raymond Turley Jr PA-C
Date Last Reviewed:
1/1/2022
© 2000-2024 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.