Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-aalaga ng Iyong Sarili Kapag Mayroon Kang Pagpalya ng Kidney

Ang pagpalya ng kidney at ang paggamot nito ay nangangahulugang pagbabago sa iyong pang-araw-araw na buhay. Anuman ang mga pagbabagong gagawin mo, makakatulong ang iyong pangkat ng pangangalagang pangkalusugan sa paggawa ng mga ito.

Ang iyong pang-araw-araw na buhay

Malamang na iniisip mo kung paanong ang pagagamot sa iyo ay aakma sa nalalabing bahagi ng iyong buhay. Pero sa ilang mga pagbabago, puwede kang makapamuhay nang ganap kahit may pagpalya ng kidney. Kung nagtatrabaho ka, makipag-usap sa iyong amo tungkol sa anumang mga pagbabago na kailangan mong gawin sa iyong mga pananagutan o iskedyul. Matutuklasan mong ang lebel ng iyong enerhiya ay tataas at bababa. At maaari mong mapansin ang mga bagong problema sa katawan. Kung hindi mo kayang gawin ang iyong mga araw-araw na gawain gaya ng dati, maaaring magmungkahi ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga paggagamot. O papuntahin ka niya sa physical therapy.

Pagkain, inumin, at mga gamot

  • Magkakaroon ka ng ilang limitasyon sa kung ano ang puwede mong kainin o inumin dahil sa anumang paggamot na mayroon ka. Makikipagtulungan sa iyo ang isang dietitian. Tutulungan ka niyang maunawaan ang mga ito. Posibleng kailangan mong umiwas sa mga pagkain na mataas sa asin, potassium, o phosphorus. 

  • Ang paggagamot ay nangangahulugang mga gamot. Ilan sa mga ito ay kailangan mong inumin 1 o higit pang beses sa isang araw. Ang iba pa ay ibibigay sa iyo sa panahon ng paggagamot o kapag nagpatingin ka sa iyong tagapangalaga ng kalusugan. Magkaroon ng listahan ng mga gamot na iniinom mo. Ipakita ito sa sinumang tagapangalaga ng kalusugan na pagpapatingnan mo. Sumangguni rin sa iyong tagapangalaga o pharmacist bago uminom ng anumang gamot na wala sa listahan. Kasama rito ang aspirin. Marami sa mga gamot ay natatanggal o napoproseso ng mga kidney. Maaaring baguhin ng iyong tagapangalaga o pharmacist ang iyong dosis. Ang ibang gamot ay puwedeng makasama sa iyong mga kidney, at maaaring hindi ka payagang uminom ng mga ito. Kabilang dito ang IV (intravenous) dye na iniiniksyon sa panahon ng ilang pagpapa-scan ng katawan.

Paggawa ng malusog na pagpili

Lalaki at babae na naglalakad sa labas.

Puwede kang pumili ng iyong istilo ng buhay na makakatulong na mas maging epektibo iyong pagagamot. Puwedeng mabawasan ng ehersisyo ang mga side effect sa iyo ng mga paggagamot. Makakatulong din ito sa iyo na makontrol ang iyong timbang at presyon ng dugo. Tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan kung anong uri ng ehersisyo ang mabuti para sa iyo.

Kung naninigarilyo ka, mahalagang huminto na. Pinakikitid ng paninigarilyo (constricts) ang mga daluyan ng dugo at nagiging sanhi ng impeksyon. Parehong mapanganib ang mga ito sa mga taong may pagpalya ng kidney. Makipag-usap sa iyong pangkat ng pangangalagang pangkalasugan tungkol sa paghinto nito. 

Kung may diabetes ka o mataas na presyon ng dugo, mahalaga na kontrolin ang iyong lebel ng asukal sa dugo at presyon ng dugo ayon sa itinagubilin ng iyong tagapangalaga. Panatilihin ang iyong timbang sa normal na antas para sa iyong katawan. At panatilihing kontrolado rin ang iyong lebel ng kolesterol. 

Laging magsuot ng isang pulseras o kuwintas na alertong medikal. Magdala ng listahan ng iyong mga gamot at ng iyong mga tagapangalaga sa iyong pitaka o sa iyong telepono. Ipagawa rin ang ganito sa iyong partner o malapit na miyembro ng pamilya.

Ingatan ang iyong kalusugan

Sa pamamagitan ng tamang paggamot, dapat nang magsimula ang pagbuti ng iyong pakiramdam. Kung susundin mo ang lahat ng tagubilin na ibinigay sa iyo at hindi ka pa rin nakakaramdam ng pagbuti, sabihin ito sa iyong tagapangalaga. Posibleng kailangang gawin ang ilang pagbabago sa paggagamot sa iyo. Kakailanganin mo ng regular na pagpapatingin sa iyong doktor.

Pag-check in

Bilugan ang mga sinasabi sa ibaba na totoo para sa iyo. Para sa bawat paggamot na hindi mo bibilugan, magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para matulungan kang matutunan kung anong kailangan mong malaman.

  • Magkaroon akong listahan ng lahat ng gamot na iniinom ko. 

  • May kilala akong makakausap kapag kailangan ko ng ekstrang tulong o suporta. 

  • Alam ko ang mga pagkain na dapat kong kainin. Alam ko rin kung gaano karami ang dapat kong kainin.

  • Nakipag-usap na ako sa isang tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa pag-eehersisyo.

  • May mga pangalan at numero ako ng lahat ng aking tagapangalaga ng kalusugan.

  • Alam ko kung ano ang saklaw ng aking insurance at kung ano ang hindi.

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Melinda Murray Ratini DO
Online Medical Reviewer: Walead Latif MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer