Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Menopause

Palatandaan na menopause na ang babae kapag lumipas ang sunod-sunod na 12 buwan na hindi nireregla. Ang average na edad para sa ganito ay nasa edad 51. Pero puwede itong mangyari sa mas bata o mas matanda. Sa panahon ng mga buwan o taon bago mag-menopause, sasailalim ang iyong katawan sa maraming pagbabago. Puwedeng makatulong ang pag-unawa sa mga pagbabagong ito at kung ano ang magagawa mo sa mga mararamdamang sintomas.

Dalawang babae na nag-uusap sa labas.

Mga Sintomas

Kung minsan ang perimenopause ay tinatawag na menopause transition. Nangyayari ito sa mga buwan o taon bago mag-menopause. Puwede itong magsimula kapag umabot ka na sa kalagitnaan ng 40s. Sa panahong ito, ang lebel ng iyong estrogen ay tumataas bumababa at pagkatapos ay mababawasan na. Bilang resulta, maaaring mapansin mo ang mga sintomas na ito:

  • Pagreregla na dumarating nang mas madalas o mas madalang kaysa sa normal.

  • Pagreregla na mas kaunti o mas maraming inilalabas kaysa sa normal

  • Mas tumaas na mga sintomas na nararamdaman bago reglahin (PMS)

  • Mainit na pakiramdam (hot flashes)

  • Pagpapawis sa gabi

  • Pabagu-bagong mood

  • Pagiging tuyo ng ari na may posibleng pananakit sa panahon ng pagtatalik

  • Nahihirapang makatulog o makapanatiling tulog

  • Nabawasan na gana sa pakikipagtalik

  • Madalas na pag-ihi

Mahalagang tandaan na puwede kang mabuntis hanggang 12 buwan pagkalipas ng iyong huling pagreregla. Tanungin ang iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa mga mapagpipiliang birth control. 

Pagkontrol ng mga sintomas

Posibleng magmungkahi sa iyo ng pills ang iyong tagapangalaga ng kalusugan o isang intrauterin device (IUD) na may hormone na progesterone. Puwede nitong gawing mas regular ang iyong pagreregla at pigilan ang sobrang pagdurugo. Kung may mga sintomas ka dahil sa mas mababang lebel ng estrogen, posibleng magmungkahi sa iyo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng mga pill na naglalaman ng estrogen o progesterone. Tinatawag itong hormone therapy.  Mayroon ding iba pang inireresetang mga gamot na makakatulong sa pagkontrol ng ilang sintomas na tulad ng mainit na pakiramdam, pabagu-bagong mood, at pagkatuyo ng ari.

Nakalista sa ibaba ang iba pang paraan para maharap mo ang mga sintomas.

  • Mainit na pakiramdam (hot flashes). Magsuot ng pampatong na damit na puwede mong hubarin. Subukan ang damit, mga pansapin sa kama, at kumot na gawa sa cotton. Laging maglagay ng isang basong tubig sa tabi ng kama.

  • Pananakit sa panahon ng pagtatalik. Puwede kang bumili sa parmasya ng pampadulas na water-based o vaginal moisturizer na makakatulong. Posible ring magreseta ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng estrogen cream para sa iyong ari.

  • Pabagu-bagong mood. Kung minsan ang pakikipag-usap sa mga kaibigan na dumaranas din ng ganitong mga pagbabago ay puwede ring makatulong.

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer