Ano ang Gagawin Kapag ang iyong Anak ay Nagsusuka
Kapag ang iyong anak ay nagsusuka, normal na mag-alala o mangamba. Ngunit ang pagsusuka ay karaniwang hindi dulot ng isang malaking problemang pangkalusugan. Ang pagsusuka ay kadalasang dulot ng impeksiyong viral o pagkalason sa pagkain. Ito ay karaniwang tumatagal ng isa o dalawang araw. Ang pinakamalaking alalahanin kapag ang iyong anak ay sumusuka ay ang dehydration (labis na kaunting tubig sa katawan). Ang pilyego na ito ang magsasabi sa iyo ng maaari mong gawin upang mapabuti ang pakiramdam ng iyong anak at manatili siyang hydrated.

Paano nilulunasan ang pagsusuka sa Tahanan?
-
Pagpahingahin ang sikmura: Pigilan muna ang iyong anak mula sa pagkain o pag-inom ng hindi bababa sa30-60 minuto matapos ang pagsuka. Binibigyan nito ang sikmura ng iyong anak ng panahon upang makabawi.
-
Pagpapalit ng likido: Ang dehydration ay maaaring maging problema kapag ang iyong anak ay sumusuka. Magsimulang palitan ang mga likido matapos na ang iyong anak ay hindi na sumuka sa loob ng 30-60 minuto. Upang gawin ito:
-
Maghintay hanggang sa iyong anak ay mabuti na ang pakiramdam at nanghingi ng maiinom. Huwag pilitin ang iyong anak na uminom kung hindi pa mabuti ang kanyang pakiramdam. At huwag gigisingin ang iyong anak upang uminom kung siya ay natutulog.
-
Magsimula sa pamamagitan ng pagbibigay sa iyong anak ng maliliit na dami (1 onsa o mas kaunti) ng likido kada 5-10 minuto. Gumamit ng kutsarita sa halip na baso upang magbigay ng likido.
-
Gumamit ng tubig o ibang malinaw, na likidong noncarbonated. Ang gatas mula sa ina ay maaaring ibigay kung ang iyong anak ay pinapasuso.
-
Kung isuka ng iyong anak ang likido, maghintay uli ng hindi bababa sa 30 minuto. Pagkatapos ay bawasan ang dami ng likido na iyong ibibigay sa ½ onsa.
-
Kung ang iyong anak ay may problema sa paglunok ng likido, alukin siya ng mga nagyelong juice bars o piraso ng yelo.
-
Ang pedialyte o ibang rehydration na mga inumin ay maaaring gamitin kung ang iyong anak ay dehydrated matapos ang paulit ulit na pagsusuka.
-
Solidong pagkain: Kung ang iyong anak ay nagugutom at humihingi ng pagkain, subukang ang maliliit na dami ng pagkaing payak. Kabilang dito ang mga biskwit, tuyong cereal, kanin o noodles. Iwasang bigyan ang iyong anak ng mamantika, mataba o maanghang na pagkain ng ilang araw habang siya ay nagpapagaling.
-
Gamot: Kung ang iyong anak ay may lagnat, tanungin ang iyong doktor kung maaari kang magbigay ng over-the-counter na gamot, katulad ng acetaminophen. Ang mga gamot na ito ay maaari ding mabili sa uring suppository kung ang iyong anak ay sumusuka pa din. Makipagusap sa iyong parmasiyotiko para sa dagdag kaalaman. Huwag bigyan ang iyong anak ng aspirin upang pawiin ang lagnat. Ang paggamit ng aspirin upang lunasan ang lagnat ay maaaring maging sanhi ng seryosong kondisyon na tinatawag na Reye’s syndrome. Huwag din bibigyan ng ibuprofen ang sanggol na wala pang 6 na buwan ang gulang.
Tawagan kaagad ang tagapangalaga ng kalusugan ng iyong anak kung ang iyong malusog na anak ay mayroon ng mga sumusunod:
-
Lagnat
-
Sa isang sanggol na wala pang 3 buwang gulang, isang temperaturang rektal na 100.3°F (38.0℃) o mas mataas
-
Sa isang bata na 3 hanggang 36 buwan, temperaturang rektal na 102°F (39.0℃) o mas mataas
-
Sa isang bata, anuman ang edad na may temperature na 103°F (39.4°C) o mas mataas
-
Lagnat na tumatagal ng higit sa 24 oras sa isang batang wala pang 2 taong gulang, o ng 3 araw sa isang bata na 2 taon o mas matanda
-
Ang iyong anak ay nagkaroon ng seizure na dulot ng lagnat
-
Pagsusuka ng ilang beses sa isang oras at sa loob ng ilang oras
-
Sukang may dugo
-
Sukang kulay berde (mayroong bile)
-
Pananakit ng sikmura
-
Hindi makontrol na pagduduwal (ng walang nalilikhang suka)
-
Pagsusuka matapos inumin ang gamot na inireseta
-
Labis na mapwersang pagsusuka (“projectile” na pagsusuka)
Mga Senyales at Sintomas ng Dehydration:
-
Kawalang sigla o matamlay na kilos
-
Walang ihi sa loob ng 6-8 oras o sobrang matingkad na ihi
-
Tumatanggi ang bata sa likido ng 6-8 oras
Online Medical Reviewer:
Amy Finke RN BSN
Online Medical Reviewer:
L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer:
Liora C Adler MD
Date Last Reviewed:
6/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.