Pagtagas ng Hangin sa mga Bagong Panganak
Ang mga baga ay lumolobo (napupuno ng hangin) habang ikaw ay humihinga. Sa baga, ang hangin ay naglalakbay sa mga sanga-sangang daanan ng hangin na tinatawag na bronchial tubes. Sa dulo ng mga ito ay mga sacs na tinatawag na alveoli. Minsan ang alveoli ay pumuputok (nasisira). Ito ay nagiging sanhi ng pagtagas ng hangin sa espasyo sa pagitan ng mga baga at sa pader ng dibdib. Ang mga air leaks ay nagdudulot ng mga problema sa paghinga at maaaring humantong sa pinsala sa baga.
Ano ang Sanhi ng Air Leaks?
Ang sinumang sanggol ay maaaring makakuha ng air leak. Ang mga air leak ay maaaring mangyari dahil sa:
-
Pagiging nasa ventilator (makina para sa paghinga) dahil sa problema sa paghinga. Ang presyur ng hangin na ibinibigay ng ventilator ay maaaring maging sanhi ng pagputok ng alveoli.
-
Ang meconium aspiration syndrome, ay isang problema sa kalusugan na nagdudulot ng pagkairita, pagkapinsala at sobrang paglobo (nasobrahan sa hangin) ng mga baga.
-
Ang respiratory distress syndrome, ay isang karaniwang problema sa mga sanggol na kulang sa buwan na resulta ng baga na kulang pa sa gulang at nagdudulot ng hirap na paghinga.
-
Ang patuloy na pag-iyak ay nagdudulot ng pagputok ng alveoli. Ang ilang mga sanggol ay umiiyak ng malakas, sapat na upang gawin ito sa kapanganakan, o sa lalong madaling panahon pagkatapos.
-
Ang mga problema sa baga na kinakailangang gumawa ng mas matindi ang sanggol upang makahinga.
-
Ang mga problemang congenital katulad ng baga na hindi nabuo ng mabuti.
-
Mga sanhing hindi matukoy.
Tatlong Pangunahing uri ng Pagtagas ng Hangin
-
Pulmonary interstitial emphysema (PIE): Maliliit na pagputok na nagaganap sa alveoli, na nagpapahintulot sa hangin upang tumagas palabas patungo sa tisyu ng baga. Ito ay naglalagay ng presyur sa mga nakapaligid na alveoli. Ang sobrang daming maliliit na tagas ay maaaring humantong sa mas malubhang problema (pneumothorax at pneumomediastinum) na inilalarawan sa ibaba.
-
Pneumothorax (bumigay na baga): Ang hangin ay nakulong sa pagitan ng pader ng dibdib at ng baga. Ang nakulong na hangin na ito ay naglalagay ng presyur sa baga, na siyang pumipigil dito na lumobo. Kaya ang sanggol ay nagkakaroon ng problema sa paghinga.
-
Pneumomediastinum: Ang hangin ay tumatagas sa dibdib, patungo sa espasyo sa pagitan ng dalawang baga. Ang nakulong na hangin ay naglalagay ng presyur sa bawat baga.
Paano ginagamot ang Pagtagas ng Hangin?
Ang Paggamot sa sanggol ay depende sa kung gaano kalubha ang pagtagas ng hangin. Kung ang sanggol ay hindi nagkakaroon ng problema sa paghinga, ang gamutan ay maaaring hindi na kailanganin. Ang maliit na pagtagas ng hangin ay maaaring gumaling ng kusa. Para sa mga malulubhang kaso, kabilang sa mga gamutan ang sumusunod:
-
Isang karayom o catheter (maliit at nababaluktot na tubo) ang ipinapasok sa espasyo sa pagitan ng baga at ng pader ng dibdib. Ito ay ginagamit upang palabasin ang hangin. Ang prosesong ito ay nakakatulong na tanggalin ang hangin na tumagas, upang ang paghinga ay bumalik sa normal. Kung maraming hangin ang tumagas, ang karagdagang gamutan ay maaaring kailanganin.
-
Isang tubo para sa dibdib ang ipinapasok sa espasyo sa pagitan ng baga at pader ng dibdib. Ang tubo ay kinokonekta sa isang aparatong panghigop na hinihila ang nakulong na hangin upang ang mga baga ay lumobong muli. Pinapahintulutan nitong gumaling ang punit. (Maaaring abutin ng ilang araw bago gumaling ang punit. Ang tubo sa dibdib ay mananatili sa panahong ito.)
-
Ang sanggol ay maaaring mangailangan ng suporta sa paghinga (katulad ng suplementong oxygen o isang ventilator) hanggang sa gumaling ang pagtagas ng hangin.
 |
Sa pneumothorax, ang nakulong na hangin ay dapat na maalis mula sa dibdib upang ang baga ay ma-reinflate. |
Ano ang mga Pangmatagalang Epekto?
Sa karamihan mga pagkakataon, kapag ang pagtagas ng hangin ay nalunasan wala ng mga problemang nagtatagal. Kung isang tubo sa dibdib ang kailangang gamitin, mga bihirang komplikasyon tulad ng pagdurugo sa loob o pagkabutas ng baga ang maaaring mangyari. Ang ilang mga sanggol na may pagtagas ng hangin ay patuloy na nagkakaroon ng pangmatagalang problema sa paghinga. Ang iyong doktor ay makakapagbigay sa iyo ng karagdagang impormasyon tungkol sa iyong sanggol.
Online Medical Reviewer:
MMI board-certified, academically affiliated clinician
Online Medical Reviewer:
Trevino, Healther, M., BSN, RNC
Date Last Reviewed:
11/1/2016
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.