Related Reading
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Tinedyer at Paninigarilyo: Alam Mo Ba ang Katotohanan?

Sa ngayon, mayroon kang pagkakataong gawin ang isa sa pinakamalaking desisyon sa iyong buhay. Tungkol ito sa paninigarilyo. Maaaring hindi ito mukhang isang malaking bagay. Ngunit kung magsisimula kang manigarilyo ngayon, malaki ang posibilidad na magumon ka habambuhay. Sa palagay mo ba ay hindi ito maaaring mangyayari sa iyo? Tingnan ang mga katotohanang ito.

Lalaking naglalagay ng nasal cannula.
Noong nagsimula akong manigarilyo sa edad na 16, hindi ko naisip na hihinga ako sa pamamgitan ng isa sa mga ito.

Mga katotohanan tungkol sa paninigarilyo

  • Nakakaadik ang paninigarilyo. Kahit paminsan-minsan ka lang naninigarilyo, maaari ka pa ring magumon. Kagag nangyari iyon, napakahirap nang huminto.

  • Lima sa 6 na tinedyer ang hindi naninigarilyo. At karamihan sa mga tinedyer na naninigarilyo ang nagsasabi na gusto nilang huminto.

  • Nakalalason ang paninigarilyo. Ang isang sigarilyo ay naglalaman ng mahigit sa 50 kemikal na nagdudulot ng kanser. Ang ilang kemikal ay ginagamit din na pang-spray sa surot.

  • Nakamamatay ang paninigarilyo. Isa sa bawat 3 tinedyer na nagsimulang manigarilyo ay magkakasakit at mamamatay sa isang sakit na nauugnay sa paninigarilyo.

  • Masama para sa iyo ang lahat ng uri ng tabako. Kasama rito ang mga tabako, menthol, nginunguyang tabako, dip, snuff, bidis, “walang additive” na mga sigarilyo, at usok ng sigarilyo mula sa ibang tao.

  • Araw-araw, halos 2,500 batang wala pang 18 taong gulang ang sumusubok sa kanilang unang sigarilyo at humigit-kumulang 400 sa kanila ang nagiging regular at pang-araw-araw na naninigarilyo.

  • Kung hindi ka nagsimulang manigarilyo sa panahon na ikaw ay 18 taong gulang, malamang hindi ka na magsisimula.

  • Tandaan, hindi ka gagawing kaakit-akit ng paninigarilyo. Ginagawa nitong mabaho ang iyong mga damit, buhok, at hininga at pinaninilaw ang iyong mga ngipin. Maaaring magresulta sa sakit sa gilagid at pagkawala ng ngipin ang pangmatagalang paggamit. Maaari din itong maging sanhi na magkaroon ng malalim na mga kulubot ang balat at lumulubog habang tumatanda ka.

Katotohanan tungkol sa mga ad ng tabako

Alam ng mga kumpanya ng tabako na nagsisimula nang bata pa ang karamihan sa mga naninigarilyo. Kung magagawa nilang subukan mo ang paninigarilyo ngayon, malaki ang posibilidad na magumon ka. Nangangahulugan iyon na naglalagay ka ng pera sa kanilang mga bulsa sa buong buhay mo. Magsasabi sila ng kahit ano para manigarilyo ka. Gagamit sila ng mga ad na ginagawang masaya at kapana-panabik ang paninigarilyo. Nagha-hire sila ng mga modelong payat, malusog, at guwapo upang ibenta ang kanilang mga produkto. Ginagawa nila ang lahat ng ito dahil araw-araw, kailangang palitan ng mga kumpanya ng tabako ang 3,000 naninigarilyong humihinto, o namamatay.

Upang malaman ang higit pa

Kung gusto mong alamin ang higit pa tungkol sa pagkagumon sa tabako, bisitahin ang mga website na ito:

Online Medical Reviewer: L Renee Watson MSN RN
Online Medical Reviewer: Liora C Adler MD
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Date Last Reviewed: 12/1/2022
© 2000-2024 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Disclaimer