Ano-ano Ang Mga Katarata?
Ang malinaw na lente sa mata ay nagfo-focus sa ilaw. Hinahayaan nito na malinaw na makita ng mata ang mga imahe. Ang pinakakaraniwang dahilan ng mga katarata ay ang pagtanda. Sa pagtanda, dahan-dahan na nagiging maulap ang lente. Ang maulap na lente ay isang katarata. Ikinakalat ng katarata ang liwanag at ginagawang mahirpa para sa mata na mag-focus. Kadalasang nabubuo ang mga katarata sa parehong mata. Ngunit ang isang lente ay maaaring mas mabilis na mag-ulap kaysa sa kabila.
Ang pagtanda ng iyong lente
Maaaring napakabagal na maging maulap ang iyong lente kaya hindi mo napapansin ang anumang pagbabago sa paningin sa simula. Ngunit habang lumulubha ang katarata, mas nahihirapang mag-focus ang mata. Sa maaagang yugto, maaaring makatulong ang mga salamin sa mata upang makakita ka nang malinaw. Habang lalong nagiging maulap ang lente, maaaring irekomenda ng tagapangalaga ng iyong kalusugan ang operasyon upang maibalik ang iyong paningin.
Ang maliwanag na lente ay nagbibigay-daan sa iyong mata na mag-focus nang malinaw sa mga bagay.
Ang di-malubhang katarata ay maaaring bahagyang palabuin ang iyong paningin.
Ang makapal na katarata ay maaaring malubhang palabuin ang iyong paningin.
© 2000-2024 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.