Related Reading
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Mga Problema sa Carotid Artery: Stroke

Ang mga carotid artery ay malalaking daluyan ng dugo na nagdadala nito sa utak. Kapag ang mga ugat na ito ay malusog, ang utak ay nakakakuha ng lahat ng oksihino at sustansya na kailangan nito upang gumana nang maayos. Kung ang mga carotid artery ay may pinsala, maaari nitong mapataas nang labis ang iyong panganib na ma-stroke. Ang stroke ay ang biglaang paghinto ng pag-andar ng utak na dulot ng kakulangan sa pagdaloy ng dugo at oksihino.

Pamumuo ng dugo na bumabara sa carotid artery at emboli na naghihiwalay sa pamumuo. Ipinapakita sa nakasingit na larawan ang pinsala sa utak.
Pumuputok ang maliliit na piraso ng namuong dugo na tinatawag na emboli at maaaring pumasok sa daluyan ng dugo o ugat at maglakbay papunta sa utak. Nasisira ang tisyu ng utak kapag binarahan ng emboli ang mga artery sa utak.

Paanong ang nasirang artery ay maaaring humantong sa stroke

Ang isang malusog na carotid artery ay makinis ang loob, tulad ng isang tubo. Ngunit ang mga problemang pangkalusugan gaya ng mataas na presyon ng dugo, dyabetis, at paninigarilyo ay maaaring makapinsala sa loob ng pader ng artery at gagawin itong magaspang. Binibigyang-daan nito na magkaroon ng maiipong taba na tinatawag na plaque at kumapal sa pader ng artery. Ang mga pamumuo ng dugo na tinatawag na emboli ay maaari ding mabuo sa plaque. Kung naghiwa-hiwalay ang mga piraso ng plaque o namuong dugo (tinatawag na emboli), ang mga ito ay dadaloy sa dugo hanggang sa magbara ito sa maliliit na daluyan ng dugo sa utak. Hinaharangan nito ang pagdaloy ng dugo sa isang bahagi ng utak na nagiging sanhi ng stroke.

Mga sintomas ng stroke

Nasa ibaba ang karaniwang mga sintomas ng stroke.  Tumawag kaagad sa 911 kung mayroon ka ng alinman sa mga sintomas na ito. Napakahalaga ng agarang medikal na paggagamot sa isang stroke. Kung mas matagal kang maghihintay na makakuha ng tulong, mas maraming pinsala ang gagawin ng stroke.

  • Biglaang pamamanhid o panghihina ng mukha, braso o ng binti, lalo na sa isang bahagi ng katawan

  • Biglaang pagkatuliro, hirap magsalita at hirap umunawa sa ibang tao

  • Biglaang hirap na makakita ng 1 o ng parehong mata

  • Biglaang hirap na paglalakad, pagkahilo, o pagkawala sa balanse o koordinasyon

  • Biglaan at malubhang sakit ng ulo na hindi alam ang sanhi

  • Biglaang bagong mga kumbulsyon

Maikling bagong pag-atake (Transient ischemic attack, TIA)

Ang maikling bagong pag-atake (Transient ischemic attack, TIA) ay isang bahagyang stroke. Isa itong babala na maaaring mangyari ang mas malubhang stroke sa hinaharap. Nangyayari ang TIA kapag ang artery papunta sa utak ay pansamatalang nabarahan. Ang pagbabarang ito ay nagdudulot ng mga sintomas na katulad ng mga nangyayari sa stroke. Ngunit sa TIA, nagtatagal lamang ito nang maikling oras, mula sa iilang segundo hanggang sa ilang oras. Huwag kailanman babalewalain ang anumang TIA o mga sintomas ng stroke.  Tumawag sa 911 kaagad.

F.A.S.T.

Ang F.A.S.T. ay isang madaling paraan para matandaan ang mga sinyales ng stroke. Kapag nakita mo ang mga palatandaang ito, tumawag sa 911 kaagad.

Ang F.A.S.T. ay nangangahulugang:

  • F ay para sa face drooping (lumalaylay ang mukha). Lumalaylay o namamanhid ang isang bahagi ng mukha. Kapag ngumiti ang isang tao, hindi pantay ang ngiti.

  • A ay para sa arm weakness (panghihina ng braso). Mahina o namamanhid ang isang kamay. Kapag sabay na itataas ng isang tao ang mga braso, naiiwan ang isa niyang braso.

  • S ay para sa speech difficulty (nahihirapan magsalita). Mapapansin mong nabubulol ang pagsasalita o nahihirapan siyang magsalita. Hindi niya kayang ulitin nang tama ang isang simpleng pangungusap kapag hiniling sa kanya na gawin iyon.

  • T ay para sa time to call (oras na para tumawag) sa 911. Kung may sinuman na kakikitaan ng ganitong mga sintomas, kahit pa nawala din ang mga iyon, tumawag kaagad sa 911 . Itala ang oras kung kailan unang nakita ang mga sintomas.

Online Medical Reviewer: Anne Fetterman RN BSN
Online Medical Reviewer: Deepak Sudheendra MD
Online Medical Reviewer: Raymond Kent Turley BSN MSN RN
Date Last Reviewed: 1/1/2022
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer