Diabetes: Pagpaplano ng Pagkain
Makatutulong kang panatilihin ang iyong level ng asukal sa dugo sa iyong target na saklaw sa pagkain ng masusustansyang pagkain. Matutulungan ka ng team ng tagapangalaga ng kalusugan na gumawa ng plano ng pagkain na masustansya. Gampanan ang aktibong tungkulin sa iyong pamamahala ng diabetes. Sundin ang iyong plano ng pagkain at makipagtulungan sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan.
Gumawa ng iyong plano ng pagkain
Nagbibigay ng mga alituntunin ang plano ng pagkain para sa mga uri at dami ng pagkaing dapat mong kainin. Layunin na balansehin ang pagkain at insulin (o iba pang mga gamot sa diabetes). Sa ganoong paraan, ang iyong asukal sa dugo ay magiging nasa iyong target na saklaw. Tutulungan ka ng iyong dietitian na gumawa ng flexible na plano ng pagkain na may maraming pagkain na gusto mo.
Bantayan ang mga dami ng takal
Igugrupo ng iyong plano ng pagkain ang mga pagkain ayon sa mga paghahain. Upang malaman kung gaano karami ang isang takal, magsimula sa pagsukat ng mga bahagi ng pagkain sa bawat pagkain. Malalaman mo sa madaling panahon kung ano ang hitsura ng isang takal sa iyong plato. Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang tungkol sa kung paano balansehin ang mga takal ng iba't ibang pagkain.
Kumain ng mula sa lahat ng grupo ng pagkain
Ang pagkain ng maraming iba’t ibang pagkain ang basehan ng isang malusog na plano ng pagkain. Pumili ng mga buong prutas, mga gulay na walang almirol, legume, mani at buto, buong butil, at mga produktong gawa sa gatas na kaunti ang taba o walang taba. Bawasan ang karne, mga inuming matatamis, matatamis, pinong butil, at mga ultra-processed na pagkain. Nagbibigay ng mga sustansya na kailangan ng iyong katawan ang pagkain ng iba't ibang masusustansyang pagkain. Maiiwasan din nito na magsawa ka sa iyong plano ng pagkain.
Matuto tungkol sa mga carbohydrate, taba, at protina
-
Mga carbohydrate (mga carb). Mga arina, asukal, at fiber ang mga ito. Natatagpuan ang mga ito sa maraming pagkain. Kasama rito ang prutas, tinapay, pasta, gatas, at matatamis. Sa lahat ng pagkaing iyong kinakain, ang mga carb ang may pinakamaraming epekto sa iyong asukal sa dugo. Maaari kang turuan ng iyong dietitian tungkol sa pagbibilang ng carb. Isa itong paraan upang alamin ang bilang ng mga carbohydrate sa isang pagkain. Mas mabagal na nasisipsip ang mas masusustansyang carb. Hindi gaanong pinatataas ng mga ito ang iyong asukal sa dugo.
-
Mga taba. Mayroong pinakamaraming calories ang mga ito. Ang mga ito rin ang may pinakamalaking epekto sa iyong timbang at sa iyong panganib sa sakit sa puso. Kapag mayroon kang diabetes, mahalagang kontrolin ang iyong timbang at protektahan ang iyong puso. Kasama sa mga pagkaing mataas sa taba ang purong gatas, keso, mga meryenda, at mga panghimagas. Maaari kang kumain ng mas maraming taba na malusog sa puso tulad ng mga avocado, salmon, tuna, at langis ng oliba.
-
Protina. Mahalaga ito sa pagbuo at pagkumpuni ng mga kalamnan at buto. Pumili ng mga pinagkukunan ng protina na kakaunti ang taba, tulad ng isda, mga puti ng itlog, at walang balat na manok. Maaari kang tagubilinan na timbangin o sukatin ang iyong mga pinagmumulan ng protina.
Bawasan ang mga likidong asukal
Magiging mahirap na mapanatiling nasa saklaw ang asukal sa dugo ng mga dagdag na calories mula sa mga soda, sports drink, at fruit drink. Bawasan hangga't maaari ang maraming likidong asukal mula sa iyong plano ng pagkain.
Kasama rito ang karamihang fruit juice. Madalas na mataas ang mga ito sa natural at dagdag na asukal. Sa halip, uminom ng maraming tubig at iba pang inumin na walang asukal.
Kumain ng kaunting taba
Kung kailangan mong magbawas ng timbang, subukang bawasan ang dami ng taba sa iyong diyeta. Makatutulong din ito na pababain ang lebel ng iyong kolesterol para panatilihing mas malusog ang iyong mga daluyan ng dugo. Bawasan ang taba sa pamamagitan ng paggamit lang ng kaunting likidong langis para sa pagluluto. Basahing mabuti ang mga etiketa ng pagkain. Umiwas sa mga pagkaing may hindi malulusog na trans fat.
Itiyempo nang tama ang iyong mga pagkain
Pagdating sa pagkontrol ng asukal sa dugo, kasing halaga ng kung kailan ka kumakain ang kung ano ang iyong kinakain. Maaaring kailangan mong kumain ng ilang kakaunting pagkain na may pantay na agwat sa buong araw para manatili sa iyong target na saklaw. Kaya huwag laktawan ang iyong almusal o maghintay kinalaunan sa araw para makuha ang karamihan ng iyong calories. Maaaring tumaas nang sobrang taas ang iyong asukal sa dugo o bumaba nang napakababa dahil sa paggawa nito.
Online Medical Reviewer:
Chris Southard RN
Online Medical Reviewer:
Rajadurai Samnishanth Researcher
Online Medical Reviewer:
Rita Sather RN
Date Last Reviewed:
4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.