Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pangangalaga sa Sarili para sa Pagsusuka at Pagtatae

Maaari kang mahirapan dahil sa pagsusuka at pagtatae. Tumutugon ang iyong sikmura at mga bituka sa sanhi ng iritasyon. Maaari itong pagkain, gamot, o, bakterya, o virus. Ang pagsusuka at pagtatae ay 2 paraan upang subukang tanggalin ng iyong katawan ang problema mula sa iyong sistema. Isang sintomas ang pagduduwal na pinipigilan kang kumain. Maaari nitong bigyan ng oras ang iyong tiyan at mga bituka na gumaling. Makakatulong ang pangangalaga ng sarili upang maibsan ang iyong kawalan ng ginhawa.

Umiinom ang babae ng isang basong tubig.

Uminom ng mga likido

Uminom o humigop ng mga likido. Ito ay para hindi ka mawalan ng labis na likido (dehydration). Upang gawin ito:

  • Pumili ng malilinaw na likido, tulad ng tubig o sabaw.

  • Huwag uminom ng mga inuming may maraming asukal sa mga ito. Kasama rito ang juice at soda. Maaaring palalain ng mga ito ang pagtatae.

  • Huwag uminom ng mga inuming may caffeine at alkohol.

  • Kung mayroon kang malubhang pagsusuka o pagtatae, huwag uminom ng mga sports drink o inuming may electrolyte. Wala itong tamang timpla ng tubig, asukal at mga mineral. Maaaring palalain ng mga ito ang mga sintomas. Subukan ang oral rehydration solution. 

  • Sumipsip ng mga tipak ng yelo kung nahihirapang uminom dahil sa pagduduwal.

Kapag maaari ka nang kumain muli

Subukan ang mga payo na ito:

  • Habang napapawi ang pagduduwal at bumabalik ang iyong gana sa pagkain, dahan-dahang bumalik sa iyong normal na diyeta.

  • Tanungin ang iyong tagapangalaga kung hindi ka dapat kumain ng ilang pagkain.

Mga gamot

Kapag isinasaalang-alang ang mga gamot:

  • Huwag gumamit ng mga gamot para pigilin ang pagtatae o pagsusuka maliban kung sinabi ng iyong tagapangalaga na gawin ito. Maaaring matulungan ng pagsusuka at pagtatae ang iyong katawan na alisin ang mapapanganib na substansya.

  • Maaaring magdulot ang ilang gamot ng pagsusuka at pagtatae. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga tungkol sa lahat ng gamot na iyong iniinom. Tanungin kung alin ang maaaring magdulot ng mga sintomas na ito.

  • Maaaring makasama sa iyong tiyan ang aspirin at iba pang gamot na nonsteroidal anti-inflammatory drugs (mga NSAID). Huwag gamitin ang mga ito kung mayroon kang masakit na tiyan.

  • Maaaring makatulong ang ilang gamot na nabibili nang walang reseta na makontrol ang pagduduwal. Maaaring makatulong ang iba pa na paginhawahin ang masakit na tiyan. Tanungin ang iyong tagapangalaga kung aling mga gamot ang maaaring makatulong sa iyo.

Kailan dapat tumawag sa iyong tagapangalaga ng kalusugan

Tumawag kaagad sa iyong tagapangalaga kung mayroon ka ng alinman sa mga ito:

  • May dugo o maitim na suka o dumi

  • Malala at patuloy na pananakit ng tiyan

  • Pagsusuka na may matinding sakit ng ulo o paninigas ng leeg

  • Pagsusuka matapos ang isang pinsala sa ulo

  • Magkasamang pagsusuka at pagtatae nang mahigit sa 1 oras

  • Hindi makasipsip ng mga likido pagkatapos ng mahigit sa 12 oras

  • Pagsusukang tumatagal nang higit sa 24 na oras

  • Matinding pagtatae na tumatagal nang higit sa 2 araw

  • Lagnat na 100.4°F (38°C) o mas mataas, o ayon sa ipinayo

  • Madilaw na kulay ng iyong balat o ang mga puti ng iyong mga mata (jaundice)

  • Hindi makaihi 

  • Hindi malunok ang ilang gamot na iniinom, gaya ng mga para sa mga kumbulsyon o mga problema sa puso

Online Medical Reviewer: Heather M Trevino BSN RNC
Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Shaziya Allarakha MD
Date Last Reviewed: 4/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer