Pag-unawa sa Spider at Varicose Veins
Malalaking mga ugat na bumabaluktot at umuumbok ang mga varicose vein. Makikita mo itong tila kurdon na mga ugat sa ilalim lamang ng balat. Ang mga spider vein ay mga nasirang daluyan ng dugo sa ilalim lamang ng balat na mukhang pula, asul o lila.
Ano-ano ang mga sintomas?
Maraming tao ang walang problema sa mga spider vein o varicose vein. Ngunit kung minsan ay maaari itong maging sanhi ng pagsakit o pamamaga ng mga binti. Maaari ding makaramdam ng pagbigat at pamamagod ang iyong mga binti. O maaaring makaramdam ang mga ito na parang nag-iinit. Maaaring mas matindi ang mga sintomas na ito sa dulo ng maghapon. Maaaring mas lumala ang iyong mga sintomas dahil sa matagal na pag-upo o pagtayo. Ngunit may mga paggamot na makatutulong.
Sino ang nagkakaroon ng spider at varicose veins?
Maaaring magkaroon ang sinuman ng spider o varicose veins. Ngunit posibleng namamana ang mga problema sa ugat (tumatakbo sa mga pamilya). Kabilang sa iba pang dahilan na maaaring makaapekto sa mga ugat ay:
-
Pagbubuntis, mga hormone, at mga pildoras sa pagpigil ng pagbubuntis
-
Isang trabaho kung saan matagal kang nakatayo o nakaupo
-
Sobrang timbang o kulang sa ehersisyo
-
Edad


Madalas mo bang itinatago ang iyong mga binti dahil sa hitsura ng mga ito? Maaaring napansin mo ang maliliit na pula o asul na pagputok (mga spider vein). O maaaring mayroon kang mga ugat na umuumbok o mukhang baluktot (mga varicose vein). Kung gayon, mayroong mga paggamot na makakatulong.
Ano ang maaaring gawin?
Maaaring makaapekto ang mga spider at varicose vein sa paraan ng pagtingin mo sa iyong sarili. Makipag-usap sa tagapangalaga ng iyong kalusugan tungkol sa iyong mga alalahanin. Mayroong mga paggamot na maaaring makapawi ng mga sintomas at gawing mas maayos ang itsura ng iyong mga binti.
Ang iyong mga pagpipiliang paggamot
Maaaring kabilang sa mga paggamot ang:
-
Pangangalaga ng sarili. Maaaring makatulong ang pagiging pisikal na aktibo na mapabuti ang daloy ng dugo sa iyong mga binti. Gayundin ang pagbabawas ng timbang, kung kailangan, at pagsusuot ng compression stockings.
-
Sclerotherapy. Sa panahon ng paggamot na ito, isang kemikal ang itinuturok sa mga ugat. Maaari itong makabuti para sa mga spider vein at sa ilang varicose vein.
-
Mga bagong maliliit na invasive procedure o operasyon (sa mga bihirang kaso). Maaaring kailanganin ang mga paggamot na ito sa malalaking varicose vein.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.