Health Encyclopedia
Search Clinical Content Search Expanded Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Anesthesia: Monitored Anesthesia Care (MAC) (Sinusubaybayang Pangangalagang may Pampamanhid)

Malapitang kuha ng tagapangalaga ng kalusugan na nagtuturok ng gamot sa IV port na nasa kamay ng lalaki.

Ooperahan ka. Habang inuopera ka, bibigyan ka ng gamot na tinatawag na anesthesia. Pananatilihin ka nitong komportable at hindi makaramdam ng kirot. Gagamitin ang iyong seruhano ang monitored anesthesia care (MAC). Sinasabi sa iyo ng sheet na ito ang higit tungkol sa uring ito ng anesthesia.

Ano ang monitored anesthesia care?

Makakaramdam ka ng sobrang pagkaantok habang inuoperahan dahil sa MAC. Maaaring gising ka, ngunit malamang na wala kang gaanong maaalala. At hindi ka makakaramdam ng sakit. Sa MAC, ibinibigay ang mga gamot sa pamamagitan ng paglalagay ng linya ng IV (intravenous) sa ugat sa iyong braso o kamay. Gagamit rin ng lokal na pampamanhid na ituturok sa balat at kalamnan sa palibot ng bahaging ooperahan para mamanhid ito. Susubaybayan ka ng provider ng anesthesia habang ginagawa ang operasyon. Susuriin nila ang tibok at ritmo ng iyong puso, presyon ng dugo, at antas ng oxygen sa dugo.

Ano ang aasahan sa panahon ng pamamaraan

Malamang na ikaw ay:

  • Lagyan ng pulse oximeter. Isa itong maliit na device na ikinakabit sa dulo ng iyong daliri. Susukatin nito ang antas ng oxygen sa iyong dugo.

  • Electrocardiography leads (electrodes). Ang mga ito ay madidikit na mga pad na inilalagay sa iyong dibdib. Ikinakabit ang mga ito sa mga kawad. Nakadugtong ito sa isang device na nagrerekord ng tibok at ritmo ng iyong puso.

  • Mga gamot na ibinibigay sa pamamagitan ng IV. Gagawin ka nitong relaks at maiiwasan ang pagkirot. Posibleng gising ka o nasa mababaw na tulog. Kung may lokal na pampamanhid ka, direkta itong itinurok sa balat mo.

  • Lagyan ng face mask. Ito ay para mabigyan ka ng oxygen. Maaari itong gawin kung kinakailangan.

Mga posibleng panganib

May ilang panganib ang MAC. Kabilang sa mga ito ang:

  • Problema sa paghinga

  • Masamang pakiramdam sa tiyan (pagduduwal) at pagsusuka

  • Reaksyong allergy sa gamot na pampamanhid 

Kaligtasan sa anesthesia

Kabilang sa mga tip para sa kaligtasan: 

  • Sundin ang lahat ng tagubiling huwag kumain o uminom bago ang operasyon.

  • Sabihin sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang lahat ng gamot na inirereseta at nabibili nang walang reseta na iyong iniinom. Sabihin sa kanya kung gumagamit ka ng anumang gamot para sa pamamaga o pampalabnaw ng dugo. Kasama rito ang aspirin. Sabihin sa kanya kung umiinom ka ng anumang bitamina, halamang-gamot, o iba pang suplemento.

  • Magpahatid pauwi ng bahay sa isang adultong kapamilya o kaibigan pagkatapos ng procedure.

Sa unang 24 oras pagkatapos ng iyong operasyon:

  • Huwag magmamaneho o gagamit ng heavy equipment.

  • Huwag gagawa ng mahahalagang pagpapasya o pipirma ng mga dokumento.

  • Huwag uminom ng alak.

  • Kung posible, magkaroon ng isang kasama. Pwede nilang bantayan kung may mga problema at tutulong sa iyo na manatiling ligtas.

Online Medical Reviewer: Jimmy Moe MD
Online Medical Reviewer: Raymond Turley Jr PA-C
Online Medical Reviewer: Tara Novick BSN MSN
Date Last Reviewed: 10/1/2021
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.
Powered by Krames by WebMD Ignite
About StayWell | Terms of Use | Privacy Policy | Disclaimer