Ano ang Appendicitis?
Ang appendidcitis ay isang pamamaga o impeksiyon ng appendix. Maaari itong magdulot ng pananakit at ibang problema na mabilis magsimula at lumalala. Dapat magsimula kaagad ang paggamot upang mapigilan ang mga malubhang problema.
Ang iyong appendix
Ang appendix ay isang maliit na supot na halos kasing laki ng iyong hinliit na daliri. Nakasabit ito sa colon (malaking bituka). Hindi maliwanag ang gamit ng appendix, bagama't ipinapalagay na bahagi ito ng immune system, katulad ng mga lymph node. Kung ito ay maging barado (maharangan), maaari itong maimpeksiyon.
Mga sintomas ng appendicitis
Tila mabilis na nagsisimula ang mga sintomas, kadalasan sa loob ng 1 hanggang 2 araw. Maaaring kabilang sa mga ito ang:
-
Pananakit na nagsisimula sa gitna ng iyong tiyan at pumupunta sa iyong ibabang kanang tagiliran
-
Tumitinding pananakit at presyon sa iyong tagiliran kapag naglalakad ka
-
Sumasakit ang tiyan (pagduduwal) at pagsusuka
-
Pagkawala ng gana
-
Lagnat
-
Pagkapagod
-
Alinman sa pagtatae o pagtitibi
Paggamot
-
Gamot na antibayotiko. Sa ilang kaso, maaaring magpayo ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng paggamot gamit ang mga antibayotiko. Maaaring maging opsyon ito kung ang appendix ay hindi pa pumutok at wala kang ibang problema o panganib. Tumutulong ang paggamit ng mga antibayotiko na mapigilan ang pangangailangan mong sumailalim sa operasyon.
-
Operasyon. Karaniwan ang pagtatanggal ng appendix sa pamamagitan ng operasyon. Tinatawag itong appendectomy. Kadalasan itong pinakamahusay na pagpipilian. Pinakamabuti ang pagtanggal ng appendix bago pa ito pumutok. Kung pumutok ang appendix, maaari itong magdulot ng matitinding problema sa kalusugan. Ang hindi pagkakaroon ng appendix ay hindi dapat makaapekto sa iyong pangmatagalang kalusugan.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.